Senado, inimbestigahan ang malawakang power outage sa Panay Island

Senado, inimbestigahan ang malawakang power outage sa Panay Island

NITONG araw ng Miyerkules, Enero 10, 2024  ay gumulong na ang imbestigasyon ng Senado sa malawakang power outage sa Panay Island.

Ang imbestigasyon in aid of legislation kaugnay sa kakapusan ng suplay ng kuryente sa Panay Island na nakaperwisyo sa mga residente at maging sa mga negosyo ay batay sa mga resolution na inihain ng ilang senador.

“Kung natatandaan po natin, a similar disturbance that caused a major blackout in Negros and Panay happened last April,” ayon kay Sen. Raffy Tulfo, Chair, Committee on Energy.

Sina Iloilo Governor Arthur Defensor at Iloilo City Mayor Jerry Treñas ay umapela sa Senate Committee on Energy na dapat managot ang responsable sa power outage.

Sa Iloilo City P2-B ang nawala sa income dahil sa blackout.

“As mayor of Iloilo City and chairman… I am angry for the suffering of our beloved Ilonggos,” pahayag ni Mayor Jerry Treñas, Iloilo City.

“A National Grid with an unfinished backbone…The black-out will happen again,” ayon kay Gov. Arthur Defensor, Province of Iloilo.

NGCP, bigong umaksiyon sa magkakasunod na power tripping sa Panay

Sa pagdinig ay lumutang na ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ay walang naging aksiyon sa biglang magkakasunod na tripping o pag-shutdown ng mga power generator sa Panay Island.

Ayon sa NGCP nasa normal at stable ang kondisyon ng grid sa kabila ng tripping ng isang planta ng kuryente kung kaya’t hindi sila nataranta sa situwasyon.

“Sa case nga po nito after tripping ni PEDC, the system remains stable and normal. So, we did the normal dispatch process,” ayon kay Clark Agustin, Head of System Operations, NGCP.

Pero ayon sa Energy Regulatory Commission (ERC) duda ito na nakumpleto ng NGCP ang anim na ‘parameters of normal state’ ng grid.

Batay sa record ng ERC, hindi pa nakumpleto ng NGCP ang required na energy reserves sa Visayas.

“Kasi po in the Visayas, the required level of reserves…’Yung area na ‘yun ng Visayas,” ayon kay Atty. Monalisa Dimalanta, Chairperson, ERC.

Bigo rin na makapagsumite ang NGCP ng report sa ERC matapos mag-shutdown ang isang planta.

“Within certain hours under the grid code… Ma terminate ang prangkisa ng NGCP,” dagdag ni Dimalanta.

Bukod dito ay pinuna rin ni Senador Tulfo ang pagiging delayed ng NGCP sa kanilang mga proyekto.

Ayon sa Department of Energy (DOE) nasa 60 proyekto ang hindi pa naipapatupad ng NGCP at karamihan sa mga ito ay grid interconnection projects.

Malaki sana ang epekto ng mga nasabing proyekto para sa pagbibigay ng enerhiya sa Panay mula sa ibang isla.

“If we are able to complete…Pagdating doon sa Panay Island,” ayon kay Asec. Mario Marasigan.

Sa ngayon ay sang-ayon naman ang ilang mga senador na i-revoke ang prangkisa ng NGCP kung mapapatunayan na mayroon itong nagawang kapabayaan.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble