MAY sapat na oras ang Senado para imbestigahan ang P203-B estate tax ng pamilya Marcos, ito ang inihayag ni Senate President Tito Sotto.
Una nang sinabi ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na kinokolekta na nila ito sa pamilya Marcos.
Ayon kay Sotto, ito ay depende pa rin sa komite kung saan ipapasa ang resolusyon kung magpapatawag ito ng hearing.
Magugunitang, nagpasa ng resolusyon si Sen. Kiko Pimentel para dinggin ang isyu tungkol sa estate tax ni Marcos na nagkakahalaga ng P203 billion noong ika-28 ng Marso.
Samantala, maaari lamang matanggap ng komite ang resolusyon ni Pimentel sa pagpapatuloy ng sesyon ng Senado sa ika-23 ng Mayo.
Sinabi rin ni Sotto na walang pumipigil sa chairman ng komite na magpatawag ng hearing.
Sinagot na ito ni Sen. Imee Marcos at sinabing wala pa silang natatanggap na anumang liham mula sa BIR.