PAGPAPALIWANAGIN ng Senado ang mga ahensyang hindi nasagad ang paggamit ng pondo sa ilalim ng Bayanihan to Recover as One Act o Bayanihan 2.
Ayon kay Senator Sonny Angara, Chairman ng Senate Committee on Finance, kinakailangan malaman nila ang rason kung bakit hindi nagamit lahat ang pondo gayong pantulong ito sa lubos na naapektuhan ng pandemya.
Kasunod ito sa ibinahagi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na naibigay na ng Department of Budget and Management (DBM) sa line agencies ang kabuuang budget sa ilalim ng Bayanihan 2.
Bilang tugon na rin ito sa mga batikos na may 18.4 billion pesos na pondo sa ilalim ng Bayanihan 2 ang ibinalik sa national treasury.
Matatandaang 165 billion pesos naman ang inilaang budget para dito.