HANDANG mabitay si Senador ‘Bato’ dela Rosa dahil sa sinimulang war on drugs.
Ayon kay Dela Rosa hindi ito takot sa imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) sa war on drugs ng gobyerno.
Ginawa ni Dela Rosa ang pahayag sa pagdalo sa ika-31 anibersaryo ng Philippine National Police (PNP) sa Camp Crame.
Ayon kay Dela Rosa, kahit na bitayin siya ngayon ay walang magiging problema.
Sa katunayan, hindi niya pinagsisisihan ang sinimulang giyera kontra iligal na droga noong hepe pa ito ng pambansang pulisya.
Kung hindi aniya ito ipinatupad ay posibleng naging “narco state” ang bansa.
Ilang drug personalities din umano ang napigilan ng mga awtoridad tulad ng mga Parojinog sa Ozamiz, Odicta sa Iloilo at Espinosa sa Leyte.
Hinikayat naman ni Dela Rosa ang mga pulis na huwag magpapagamit sa mga pulitiko lalo na ngayong halalan.