Senador Pangilinan, nanindigan na karapat-dapat na maging pangulo si VP Leni

Senador Pangilinan, nanindigan na karapat-dapat na maging pangulo si VP Leni

NANINDIGAN ang vice presidential aspirant na si Senador Kiko Pangilinan na walang ibang kwalipikadong kandidato sa pagiging susunod na pangulo ng bansa kundi si Vice President Leni Robredo.

‘’The most deserving, the most qualified to be president…that’s who she is to me,’’ayon kay Pangilinan.

Ganito isinalarawan ni Senador Kiko Pangilinan ang kanyang katandem na si Vice President Leni Robredo para sa paparating na 2022 national and local elections.

Para sa mambabatas, nakita ng taumbayan ang pagsisikap ni VP Leni na tumugon sa iba’t ibang hamon na dumating sa bansa, partikular na ngayong panahon ng pandemya.

‘’Well nakita natin in the last two years ang kanyang naging response sa COVID-19. Napakaliit ng budget niya pero pinakadaang libo ang natulungan niya sa ayuda, mass testing, sa bakuna, sa frontliners,’’saad nito.


SMNI NEWS