SA pagdiriwang ng 88th Araw ng Dabaw ngayong March 16, sa San Pedro Square, Davao City, ipinahayag ni Senator Bong Go ang kanyang taos-pusong pasasalamat sa mga kapwa Dabawenyo sa kanilang walang-sawang suporta kay former President Rodrigo Duterte.
Ibinahagi niya ang mga pagsubok na hinarap ni Tatay Digong mula nang siya ay arestuhin sa NAIA hanggang madala sa The Hague, Netherlands.
“Mga Dabawenyo, mga taga-Mindanao, nakikiusap po ako sa inyo na hindi tayo titigil hanggang makauwi siya. Hindi tayo titigil. Maraming salamat sa inyong suporta para kay Tatay Digong. Ginawa niya lang po ang kailangan niyang gawin,” pahayag ni Mr. Malasakit.
Kasabay nito, hinimok rin ni Go ang patuloy na panalangin para sa kalusugan at kaligtasan ni Tatay Digong, lalo na sa gitna ng matinding hamon na kanyang kinakaharap.
#BringPRRDHome