Senatorial Campaign Tracker
Dalawampu’t pitong araw na lang bago ang inaabangang halalan sa Mayo a-dose, kaya’t mas pinaiigting ng mga kandidato ang kanilang pangangampanya! Walang tigil ang kanilang pag-iikot—mula sa malalayong baryo hanggang sa mataong lungsod, sinisikap nilang maabot ang bawat Pilipino upang iparating ang kanilang mga plataporma at adhikain.
Sa bawat kaway, pakikipagkamay, at pagharap sa taumbayan, hangad nilang makuha ang tiwala at suporta ng publiko. Lahat ng estratehiya, ginagamit—mula sa matinding door-to-door campaigns hanggang sa malalaking rally—upang tiyakin na sila ang pipiliin sa darating na halalan.
Narito ang pinakabagong kaganapan sa patuloy na pag-iikot ng mga kandidato sa iba’t ibang panig ng bansa.
Simulan natin sa Butuan City kung saan nakadaupang-palad ni Allen Capuyan ang iba’t ibang tribal leader sa caraga sa isang pagtitipon sa Butuan City.
Habang nasa Laguindingan Airport, Cagayan De Oro City, Misamis Oriental si atty. Raul Lambino, tinalakay nito ang isyu sa online voting kasabay ang paghikayat sa mga overseas filipino workers na bumoto pa rin sa kabila ng mga reklamo.
Nasa Davao Region naman si Sen. Bong go, tiniyak nito ang suporta sa transport sector kasabay ang paalala sa pag-iingat sa pagmamaneho lalo na ngayong semana santa.
Si Sen. Francis Tolentino, nakiisa sa 50th Anniversary ng Kabataang Barangay sa probinsya ng Cebu.
Si Sen. Bong Revilla naman, nangampanya sa sta. cruz, laguna.
Dinayo naman ni Ariel Querubin ang Pagudpud, Ilocos Norte.
Habang sa Brgy Marulas, Valenzuela city nanuyo ng botante si Eric Martinez nitong lunes.
Si Camille Villar, ibinahagi ang naging pagbisita sa Valenzuela City.
Nangampanya naman Si Atty. Angelo de Alban sa Antipolo, Rizal.
At ‘yan ang pinakahuling update sa nagpapatuloy na campaign period para sa darating na halalan sa Mayo.
Patuloy nating bantayan ang bawat galaw, plataporma, at paninindigan ng mga kandidato para mas maging matalino at mapanuri tayo sa pagpili ng ating susunod na mga senador.
Para sa mas marami pang updates, manatiling nakatutok dito lamang sa SMNI News.