Senatorial Campaign Tracker

Senatorial Campaign Tracker

Senatorial Campaign Tracker

Labing siyam araw na lang bago ang inaabangang halalan sa Mayo a-dose, kaya’t mas pinaiigting ng mga kandidato ang kanilang pangangampanya! Walang tigil ang kanilang pag-iikot—mula sa malalayong baryo hanggang sa mataong lungsod, sinisikap nilang maabot ang bawat Pilipino para iparating ang kanilang mga plataporma at adhikain.

Sa bawat kaway, pakikipagkamay, at pagharap sa taumbayan, hangad nilang makuha ang tiwala at suporta ng publiko. Lahat ng estratehiya, ginagamit—mula sa matinding door-to-door campaigns hanggang sa malalaking rally—para tiyakin na sila ang pipiliin sa darating na halalan.

Narito ang pinakabagong kaganapan sa patuloy na pag-iikot ng mga kandidato sa iba’t ibang panig ng bansa.

Simulan natin sa probinsya… nagsalo sa isang tanghalian at nakausap ni Senador Francis Tolentino ang mga alkalde sa Laguna.

Sa isang social media post, nagpasalamat si Kiko Pangilinan sa ilang mga opisyal at kawani ng pamahalaang panlalawigan ng Bataan sa kanilang mainit na pagtanggap sa kanya.

Gayundin, nakipag-usap si Bam Aquino kay Governor Jun Ebdane sa kanyang pagbisita sa Zambales.

Nagtungo naman sa Binondo, Maynila si Atty. Raul Lambino at nakadaupang palad ang ilan sa kanyang mga tagasuporta at hinikayat na suportahan at iboto ang Duterten senatorial candidates.

Pinasalamatan naman ni Atty. Jimmy Bondoc si Vice President Sara Duterte sa patuloy na pagsuporta sa kanila sa Duterten senatorial candidates.

Matapos suyurin ang Antipolo City, naglibot naman ang motorcade ni Senador Bong Go kamakailan lang sa Taytay, Rizal, kasama si Governor Nina Ynares.

Habang nagtungo sa Balintawak Market si Mar Valbuena at nakadaupang palad ang ilan sa mga vendor doon.

Sa kanyang pinakabagong social media post ay ibinahagi ni Allen Capuyan ang kanyang karanasan na makadaupang-palad ang Kagan at Mandaya Leaders, representante ng kapwa senatorial candidate na si Pastor Apollo C. Quiboloy, at iba’t ibang multi-sectoral representatives. Kasama rin niya sa pangangampanya ang Epanaw Sambayanan Partylist.

Bumisista naman sa Lungsod ng Valenzuela si Camille Villar kung saan inihayag niya ang paghanga sa istilo ng pamumuno ni Mayor Wes Gatchalian sa nasabing lungsod.

At ‘yan ang pinakahuling update sa nagpapatuloy na campaign period para sa darating na halalan sa Mayo.

Patuloy nating bantayan ang bawat galaw, plataporma, at paninindigan ng mga kandidato para mas maging matalino at mapanuri tayo sa pagpili ng ating susunod na mga senador.

Para sa mas marami pang updates, manatiling nakatutok dito lamang sa SMNI News.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble