Senatorial Campaign Tracker!
Tuloy-tuloy ang pangangampanya ng mga senatorial candidates sa iba’t ibang bahagi ng bansa ngayong Miyerkules, Pebrero 26.
Simulan natin sa Lipa, Batangas kung saan nangampanya si Sen. Francis Tolentino at nakaharap niya ang mga lokal na opisyal ng lungsod.
Sa cebu, sumabak sa Multi-Sectoral Candidates Forum sa University of San Carlos sina Ernesto Arellano, Atty. Angelo De Alban, Norman Marquez, at Jose Montemayor Jr.
Sa Balintawak Public Market, Quezon City, personal na inalam nina Ariel Querubin at Bonifacio Bosita ang sentimyento ng mga tindero at mamimili tungkol sa presyo ng bilihin.
Si Sen. Bong Go, dumalo sa Philippine Councilors League Occidental Mindoro Chapter 2025 General Assembly sa Quezon City. Kasama niya rito si Philip Salvador.
Sa isang radio interview, sinagot ni Atty. Vic Rodriguez ang ilang isyu kaugnay ng kanyang kandidatura.
Sina Kiko Pangilinan at Bam Aquino, magkasamang dumalo sa isang media interview nitong Martes.
Si Jose Jessie Olivar, dumalo sa isang event sa Buenavista, Bohol.
Samantala, sinagot naman ni Doc Richard Mata ang tanong ng netizens kung bakit siya tumatakbong senador.
Sa Rodriguez, rizal, nag-ikot si Eric Martinez para makipagdayalogo sa mga residente.
Si Sen. Imee Marcos at Bong Revilla, pinangunahan ang pamamahagi ng cash gift sa ilalim ng Expanded Centenarians Act of 2024.
Si Sen. Bato Dela Rosa, nagbigay ng kanyang opinyon sa ilang isyu ng bansa at mga plano niya kung muling mahalal.
Sa Bulacan, nangampanya si David D. Angelo at nakipagpulong sa mga taga-suporta.
Sa Antique, dumalo sa isang multisectoral meeting sina Sen. Loren Legarda at Sen. Pia Cayetano.
Sa kanyang social media account, naglabas ng pahayag si Atty. Jimmy Bondoc tungkol sa isyu ng korapsyon at 2025 national budget.
At ‘yan ang mga pinakahuling kaganapan sa nagpapatuloy na campaign period para sa darating na halalan sa Mayo.
Patuloy nating subaybayan ang kanilang mga hakbang, plataporma, at paninindigan para mas maging matalino at mapanuri tayo sa pagpili ng ating mga susunod na senador.
Para sa mas marami pang updates, manatiling nakatutok dito lamang sa SMNI.