Senior marketing directors ng IMG Group sa UK, nagsagawa ng Investor’s Night

Senior marketing directors ng IMG Group sa UK, nagsagawa ng Investor’s Night

ISANG engrandeng pagtitipon ang ginanap sa Copthorne Tara Hotel noong gabi ng Setyembre 16, 2023 para sa mga Filipino na miyembro ng International Marketing Group (IMG) para sa Investor’s Night na may temang: “We dream, We believe, We achieve.”

Ang IMG ay naitatag noong Marso 7, 2002 at kinikilala na ngayon bilang the “biggest & fastest growing financial services company” sa Pilipinas.

Naglalayon ito na maturuan ang mga Filipino lalo na ang mga OFW na mabigyan ng edukasyon sa pinansiyal para sa kanilang financial security sa pamamagitan ng pagsasagawa ng solid financial foundation.

Ilan sa mga tinuturo ay ang pagkakaroon ng life and health insurance, pag-aaral ng stock market at nakipag-ugnayan sila sa mga malalaking financial industries sa Pilipinas para sa abot-presyo ng pag-invest.

Nagbahagi rin ng katagumpayan o ‘road to success stories’ ang pinarangalang senior marketing directors.

May mga guest speakers din na dumalo na nagsilbing inspirasyon dahil sa kanilang nakamit na katagumpayan sa larangan naman ng business dahil sa sarili nilang pagsusumikap.

Isa rin sa mga guest speakers ay isang solicitor na naniniwala rin sa kasabihan na “Kung naniniwala kang magagawa mo ay makakamit mo”.

Nilalayon ng IMG Group na maturuan ang 30 milyong Pilipino na nagtra-trabaho sa ibang bansa sa taong 2030 kung paano mas mapalago pa ang kanilang mga pinagpagurang salapi at ilagay ito sa tamang pag-invest sa pamamagitan ng mga libreng financial education at training ng IMG Group.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter