INAMIN ng baguhang aktor na si Seth Fedelin na naiinis siya sa tuwing inaakusahan siya ng mga taong ginagaya niya ang sikat na aktor na si Daniel Padilla.
Ito ang naging tugon ni Fedelin nang tinanong siya kung ano ang mga chismis na kanyang kinaiinisan sa isang panayam.
Ani Seth, minsan ay naiinis siya dito at pabiro pang sinabi na kaya na siya nagpagupit ng buhok ay para maiba na siya kay Daniel.
Dagdag ni Fedelin, hindi niya naiintindihan kung saan nanggagaling ang pagkumpara sa kanya mula kay Padilla.
Sa huli ay sinabi nito na bagaman nalilito siya sa mga akusasyon ay nananatili pa rin itong nagpapasalamat dahil sa kanyang sunod-sunod na projects.