NAGSIMULA na ang Sharks International 9-Ball Open na umabot sa 128 billiard players mula sa iba’t ibang bansa ang magtatagisan ng galing.
Nagsimula ang nasabing aktibidad kahapon Hulyo 24 at magtatagal hanggang Hulyo 29 sa Sharks-Great White Arena and Sports Bar sa Tomas Morato.
Dumalo si Mayor Joy Belmonte sa unang araw ng tournament, kasama ang ilang konsehal ng lungsod at si Games and Amusement Board chairperson Atty. Richard Clarin, at Mr. Hadley Mariano.
Ayon sa alkalde, ito ang unang international pool competition na inorganisa sa loob ng 10 taon.
Layon nitong maisulong ang professional billiards, at makilala ang lungsod bilang sentro ng nasabing sport.
Sinabi ni Belmonte, maaaring mapanood ang laban sa Sharks-Great White Arena and Sports Bar.
Live rin itong ipalalabas sa sharksbilliardleague.com.