Show cause order ng DILG kay Mayor Isko, binawi

Show cause order ng DILG kay Mayor Isko, binawi

WALA nang masyadong reaction si Manila City Mayor Isko Moreno Domagoso hinggil sa show cause order na pinadala ng Department on Interior and Local Government (DILG) sa alkalde ukol sa iligal na droga sa lungsod noong 2018.

Ito ay dahil noong 2019 pa umupo bilang alkalde ng lungsod si Mayor Isko bagay na wala na syang dapat pang ipaliwanag.

Nakasaad sa show cause order na bigo si Isko na makamit ang standard ng Anti-Drug Abuse Council noong 2018.

Gayunpaman, binawi naman ito ng DILG kung saan sa pahayag ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año, ang naturang show cause order ay para lang  sa  nakalipas pang mayor ng lungsod.

Wala pang pahayag si dating Manila Mayor Joseph Estrada na alkalde noong 2018.

Samantala,  nilinaw ni Mayor Isko Moreno kung ano mga alituntuning kailangang sundin noong Enhanced Community Quarantine (ECQ) ay siya ring ang ipapatupad ngayon.

Ayon sa alkalde, ang pinag iba lang naman ng ECQ noon at ECQ ngayon ay papayagang lumabas ang mga tao para magpabakuna at ipakita lamang ang kanilang QR code.

Karagdagang authorized person outside residence (APOR) naman ang babantayan ng mga kapulisan sa umiiral na ECQ.

“Yung ECQ naman naging buhay na natin yan  simula March 2020 at  ang lahat ng kapulisan alam na ang lahat ng gagawin kaya lang may mga additional na APORs na kailangan naming intindihin kaya ‘yun na lang kailangan pag-aralan ng kapulisan yung additional APORs para hindi na pabalik-balik yung ating mga tao,”ang pahayag ni PBGen. Leo Manaog Francisco, District Director, Manila Police District.

BASAHIN: Suplay ng pagkain sa ilalim ng ECQ sa Metro Manila, sapat ayon sa DTI

 

SMNI NEWS