SIM Card Registration Law, malaking tulong sa pagsugpo sa online sexual abuse at exploitation of children –DOJ

SIM Card Registration Law, malaking tulong sa pagsugpo sa online sexual abuse at exploitation of children –DOJ

IKINATUWA at nagpasalamat ang Department of Justice (DOJ) sa National Telecommunications Commission (NTC) sa paglalabas ng Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Mandatory SIM Card Registration Law.

Dahil dito ay naniniwala si DOJ Spokesperson Atty. Mico Clavano na makakatulong nang malaki ang implementasyon ng batas para mapigilan ang OSAEC o online sexual abuse and exploitation of children sa bansa.

Nakasaad sa IRR ng batas na kailangang irehistro ng subscribers ang kanilang SIM card para hindi ito ma-deactivate.

Ayon kay Clavano, ginagamit ang prepaid SIM cards ng mga sindikato o scammers para makapag-recruit o makapambiktima.

Sinabi ni Clavano na  wala namang opisyal na pag-aaral na nagpapakita na ang Pilipinas ang nangunguna sa mundo sa usapin ng OSAEC pero maikokonsidera naman na pinaka hotspot ang bansa ng nasabing krimen dahil sa dami ng mga kaso at reklamo na natatanggap ng Pilipinas.

Follow SMNI NEWS in Twitter