PIRMA na lamang ang kulang para maisabatas ang SIM Card Registration Act at postponement ng Barangay and SK Elections.
Ito’y matapos pirmahan nina Speaker Martin Romualdez at Senate President Migz Zubiri ang enrolled copy ng dalawang panukala sa isang signing ceremony sa Manila Golf Club sa Makati City.
Ang dalawang panukalang batas ang unang enrolled bills sa first regular session ng 19th Congress ng Marcos administration.
“Today, I am honored to join Senate President Migz Zubiri in signing the enrolled bills that will be officially transmitted to Malacañang for the President’s signature,” saad ni Romualdez.
Si Romualdez ang main author sa House Version ng SIM Card Registration Act o ang House Bill No. 14 na inaprubahan sa Kamara noong September 19.
Nakatakda namang isumite kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ang enrolled copy ng dalawang panukala.