NANINIWALA ang National Economic and Development Authority (NEDA) na posibleng makamit sa taong 2028 ang single-digit poverty rate.
Ayon kay NEDA Usec. Rosemarie Edillon, kasunod ito sa pagbaba ng bilang ng mga taong walang trabaho.
Maging ang pagbaba rin ng inflation rates ay isang positibong senyales kung saan ibig sabihin, epektibo ang mga programa ng Marcos administration.
Sa datos naman, nananatiling Central Luzon, CALABARZON at Metro Manila ang may pinakamataas na contributors sa gross domestic product ng bansa.