Sipilyo campaign, inilunsad ng Valenzuela City

Sipilyo campaign, inilunsad ng Valenzuela City

INILUNSAD ng Valenzuela City ang kanilang “Bertong Sipilyo Campaign” para mapalawak ang kaalaman ng kanilang mga residente hinggil sa oral health care.

Dinaluhan ng city dentists maging ang mga mag-aaral at mga guro ang launching ng campaign nitong February 13, 2023 sa Valenzuela City Town Hall.

Binigyan naman ng dental hygiene kits na naglalaman ng toothbrush, toothpaste, towel, soap, alcohol, facemask, vitamins, mouthwash at thermometer ang mga dumalo.

Samantala, isa sa saklaw ng “Bertong Sipilyo Campaign” ang good oral hygiene sa mga kabataan.

Follow SMNI NEWS in Twitter