PINAG-AARALAN ng Malaysia ang sistema ng pagbabayad ng sweldo sa mga dayuhang manggagawa.
Ipinatupad sa United Arab Emirates (UAE) ang bagong sistema ng pagbabayad ng sweldo kaya naman isa ito sa mga pinag-aaralan ng Malaysia upang mapabuti ang pamamahala ng mga dayuhang manggagawa sa bansa.
Ayon kay Human Resource Minister Datuk Seri Saravanan ang sistema ng pagbabayad ng sweldo na ipinatupad ng gobyerno ng UAE ay nakikita bilang isang mabisang sistema na nagpoprotekta sa interes ng mga dayuhang manggagawa.
Bukod pa rito,tinalakay rin ang mga opurtunidad sa pakikipagtulungan sa pagitan ng Malaysia at ng UAE sa ilalim ng kasunduan para sa professional at highly-skilled workers.
Samantala, mahigit sa 6,000 na mga Malaysian ang kasalukuyang nagtatrabaho sa UAE, lalo na sa mga sektor ng petrolyo at pangangalaga ng kalusugan.