Estados Unidos, dedepensahan ang Taiwan laban sa China

Estados Unidos, dedepensahan ang Taiwan laban sa China

DEDEPENSAHAN ng Estados Unidos ang Taiwan laban sa bansang China.

Ito ang ipinangako ni US President Joe Biden sakaling magkaroon ng pag-atake o invasion ang China sa bansang Taiwan.

Kaugnay nito, nagpalipad ng missile ang Chinese military noong Sabado kung saan naikot ng naturang missile ang mundo.

Ayon sa China, isa lamang itong routine test.

Kaugnay nito, inamin ni President Biden na nababahala ito sa hypersonic weapon ng China.

Matatandaang isinagawa ng Beijing ang testing ng nuclear-capable hypersonic missile nito noong Agosto.

SMNI NEWS