PAPALITAN ang kasalukuyang slogan ng Department of Tourism (DOT) na “It’s More Fun in the Philippines”.
Ayon sa DOT, nais ng ahensiya na gumawa ng slogan na magpapakita sa kasalukuyang sitwasyon sa bansa.
Sinabi naman ni Tourism Secretary Christina Frasco na planong pagandahin ang kasalukuyang slogan at maipakita ang mayamang kultura at pagkakakilanlan na tatak ng Pilipino.
Sa ngayon, inihayag ng kalihim na under review pa ang ipapalit na slogan.
Mababatid na ang “It’s More Fun in the Philippines” ay ipinalit sa “WOW Philippines” na tourism slogan ng bansa.