NAGPAPASALAMAT ang mga overseas Filipino worker (OFW) sa Belgium at Netherlands sa SMNI.
Sa nagdaang meet and greet event ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Brussels Belgium, ay labis na nagpasalamat ang mga kababayan natin sa Europe kay Pastor Apollo C. Quiboloy sa pagpapadala ng kanyang news team para i-cover ang event ng Pangulo.
Para kay Grace, isa sa mga kilalang OFW leader sa Netherlands, malaki ang naging role ni Pastor Apollo at ng SMNI sa nagdaang 2022 elections.
Lalo na ang mga pa-debate kung saan sponsored ang SMNI.
“Malaki ang pagpapasalamat namin sa SMNI for being crucial to the forming of public opinion during the election,” ayon kay Grace Cabactulan, Secretary-Development in Diversity and Solidarity.
Diin din nito na malaking tulong sa kanilang mga OFW ang tamang impormasyon mula sa Pilipinas.
Minsan aniya kasi, panay kasiraan na lamang sa gobyerno ang palagi nilang naririnig sa mga balita.
Na para baga’y masamang-masama ang imahe ng Pilipinas.
Ngunit sa network ng butihing Pastor, nation building ang kanilang nakikita.
“Inoffer niya yung network, SMNI among others para na mapakinabangan ng buong bansa. So in that way, it was the first time we felt that nakakatulong sa gunuine public opinion forming actually. Mahalaga ang media talaga, andaming fake news, andaming nag-aaway-away, nonsense. Madaming talagang biglang nanonood ng SMNI, sa balita, sa features. Samantala, hindi naman actually sila kasama ng religion. So it broke through the whole thing. So in that sense, grateful kami that this one is servicing correct information at hindi natatakot magsalita si Pastor sa kanyang mga vision, issue niya,” dagdag pa ni Cabactulan.
Ang OFW na si Chrisler, labis namang nagpapasalamat kay Pastor Apollo sa tapang at dedikasyon nito kontra insurhensya.
Ang programang Laban Kasama ang Bayan, sikat aniya sa Pransya kung saan ito nakabase ngayon bilang kapitan ng isang yate.
“Kaya glory to God, talagang sa kay Pastor Quiboloy ay isa rin sa talagang walang sawang sumuporta lalo na yung labanan ba yung insurgency. Grabe, hinangaan ko siya doon. Antapang niya,” ayon kay Chrisler Dejeto, Yacht Captain sa France.
Umaasa naman ito na hindi magbabago ang programing ng SMNI lalo na ang mga manna programs ng butihing Pastor.
Mahigit 300,000 ang bilang ng mga Pinoy na nagtatrabaho sa 27 bansang sakop ng European Union.
At sa pagtutok ng mga kababayan natin sa mga ganap sa Pilipinas, hangad nila ang lalo pang pagpapala sa mga tagapamuno ng SMNI.
Lalo na sa butihing Pastor Apollo C. Quiboloy.