SMNI, kinilala bilang “Most Credible and Reliable News Source of the Year”

SMNI, kinilala bilang “Most Credible and Reliable News Source of the Year”

MULING tumanggap ng parangal ang Sonshine Media Network International (SMNI) dahil sa paghahatid nito ng tapat at makatotohanang balita sa Pilipinas at sa buong mundo.

Sa ginanap na pagtatanghal ng viral awards sa Okada, Manila, itinanghal ang SMNI bilang ‘Most Credible and Reliable News Source of the Year’.

Ayon sa award-giving body, napili nila ang SMNI News Channel para sa nasabing parangal dahil sa makatotohanan at responsableng paghahatid nito ng mga balita sa publiko.

Matatandaan na ngayong taon ay humakot din ng parangal ang SMNI mula sa iba’t ibang prestihiyosong award-giving bodies.

Kabilang na dito ang pagiging “Best Choice Fast Growing Social Media of the Year” mula sa Netizens’ Best Choice Awards; “Best Social Media Brand of the Year” mula sa Philippine Empowered Men and Women; “World Class Presidential Debate of the Year” mula sa Global Trends Business Leaders Awards; “Most Outstanding News and Public Affairs Channel” mula Asia Pacific Sterling Awards at Award of Excellence mula sa 5th Asia Pacific Luminare Awards.

Una nang ipinangako ni Pastor Apollo C. Quiboloy na magiging alternatibong media outlet ang SMNI, kung saan nakasentro ito sa tapat at makatotohanang pamamahayag.

Layunin nito ay maiangat ang kamalayan ng mga Pilipino sa pagbibigay ng malasakit at pagmamahal sa bansa.

Follow SMNI NEWS in Twitter