“Maninindigan ang Sonshine Media Network International (SMNI) sa katotohanan laban sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).”
Ito ang sinabi ni Pastor Apollo C. Quiboloy hinggil sa pagiging tila sentro ngayon ng propaganda ng komunistang teroristang grupo ang dating tagapagsalita ng NTF-ELCAC na si Dr. Lorraine Badoy.
Ayon kay Pastor Apollo, hindi na kayang baluktutin ng CPP-NPA-NDF ang katotohanan at hindi na tatalab pa ang paninira kay Badoy dahil nandito na ang SMNI na siyang nagbubulgar ng totoong pangyayari.
“Alam ninyo noong wala pa ang SMNI, wala ang tao talagang tiklop bibig, umiiyak sa tabi ng kanilang mga bahay sapagka’t walang hustisya. Pagka binira ka ng mainstream media na ‘yan wala na. Papaano kang sasagot hindi ka pasasagutin nila. Hindi ka bibigyan ng time babaluktutin nila. Kaya tinabi sila ng Ama tulad ng pagtabi sa mga relihiyon na walang kwenta. Itinabi sila at itinaas ang SMNI para ang tao ay magkaroon ng hustisya, para ang tao ay hindi mabaluktot ang mga totoong mga pangyayari. Truth that matters…wala hindi na pwedeng baluktutin kahit ano pang disinformation, paninirang gagawin kay former Usec. Badoy ng NTF-ELCAC, hindi tatalab ‘yan dahil nandito tayo at tayo ang magbubulgar ng totoong katotohanan,” pahayag ni Pastor Apollo.
Samantala, sinabi rin ni Pastor Apollo na hindi na pinaniniwalaan ngayon ang mainstream media dahil hindi nito nilalahad ang katotohanan bagkus ay binabaliktad pa.
Ani Pastor Apollo, tila ginagawang santo ng mainstream media ang CPP-NPA-NDF habang ginagawang demonyo ang mga kontra sa mga ito.
“Nasasaktan na ang kanilang disinformation campaign, nasasaktan na ang pagbubulag nila sa mga tao, nasasaktan na ang kanilang pagbubulag sa pamayanang Pilipino. Wala na hindi na mangyayari ‘yun, it’s gone, it’s the past. Wala na ‘yun. Kaya dito ang tao ngayon nakikinig. Tingnan mo discredited na ang mainstream media, discredited. Hindi sila nagsasalita ng totoo eh, hindi sila nagsasabi ng katotohanan eh. Binabaligtad pa nila kasi napasukan at nasapian na rin sila. May mga broadcaster dyan nasapian na ‘yan. Mga anak nga ng mga kadre ‘yun eh. Nagbo-broadcast broadcast dyan alam mo kung sino. Pagkatapos pala ang mga ina, ama kadre, ang mga kuwan may koneksyon sa NPA kaya baligtad ang mga balita. Ginagawang santo ang CPP-NPA-NDF. ‘Yung kumokontra sa kanila ginagawang demonyo,” ayon kay Pastor Apollo.
Samantala, nagpahayag naman ng suporta si Pastor Apollo kay Dr. Lorraine Badoy.
Ayon kay Pastor Apollo, hindi na mapapatahimik pa ng komunistang teroristang grupo si Badoy.
“Dr. Loraine Badoy pumili ka ng time maliban sa Laban Kasama ang Bayan, dedicated sa’yo para masabi mo ang gusto mo. Kasi ngayon inaapi-api ka dahil sa pagtayo mo, ang buong bansang Pilipinas makikinig sa’yo,” ayon pa sa butihing Pastor.
Siniguro din ni Pastor Apollo na nasa likod ito ni Badoy at handang sumuporta mapa media man, sa korte, at saan man.
“We are behind Dr. Lorraine Badoy. Susuportahan namin siya sa kanyang tayo, nagtataya ng kanyang buhay para sa mga mamamayan, para sa mga magulang. Imbestigahan ninyo. Kung meron siyang kaso, kasuhan ninyo. Nandito kami, ako’y magbibigay ng limang abogado sa kanya. Huwag kang mag-alala Lorraine pagka ikaw ay dinemanda riyan marami tayong abogado na kakampi na hindi kakampi sa CPP-NPA-NDF. Lalabanan natin ‘yan. Mapa media, mapa korte, mapa personal, mapa kung ano kahit saan sige. Pero kung sila’y nagtatangka ng buhay natin, eh walang nagsasabi. Ako pinagtangkaan ng marami. Bakit walang nagsasabi? Bakit walang nagsasabi na ‘Wag niyong pagtangkaan ang buhay ni Pastor Quiboloy o ni Lorraine o ni Eric’ bakit? Kasi alam na this,” ayon pa ni Pastor Apollo.
BASAHIN: Lorraine Badoy, nirerespeto ang babala ng SC sa kaniyang pahayag kontra Judge Marlo Malagar