SMNI News, humakot ng mga parangal sa Global Trends Business Leaders Awards

SMNI News, humakot ng mga parangal sa Global Trends Business Leaders Awards

HUMAKOT ng parangal ang SMNI News Channel at ilang personalidad nito sa katatapos lang na Global Trends Business Leaders Awards sa Okada Manila nitong Lunes ng gabi.

Hindi lang isa kundi apat na parangal ang naiuwi ng SMNI News sa ikalawang taon ng Global Trends Business Leaders Awards.

Ito ay patunay na patuloy na pinagkakatiwalaan ang SMNI News ng taumbayan.

Patuloy na tumatanggap ng mga pagkilala ang SMNI News Channel at ilang mga personalidad nito dahil sa makatotohanan at hindi bias na pagbabalita at totoong public service.

Kinilala ang SMNI News Channel bilang Exceptional News and Public Affairs Television Network of the Year.

Si Lady B ng Kabayan Abroad ay pinarangalan naman bilang Global Supreme TV Host of the Year.

Binigyang pagkilala naman si Hannah Jane Sancho, Malacañang beat reporter at Problema n’yo, Itawag kay Panelo Anchor, bilang Global Supreme Reporter and Program Host of the Year.

Ang SMNI field reporter na si Cherry Light ay pinarangalan naman ng Global Supreme bilang News Reporter of the Year.

Taos puso namang nagpapasalamat ang SMNI News anchor at reporter sa patuloy na pagtitiwala ng taumbayan sa SMNI.

Hindi rin pinalagpas ng mga ito ang pagkakataon na mapasalamatan si Pastor Apollo C. Quiboloy dahil sa tiwala at walang sawang suporta na kanilang natanggap mula sa butihing Pastor.

Una nang sinabi ni Pastor Apollo na kaniyang ilalaan ang SMNI para sa nation building at magiging katuwang ng pamahalaan tungo sa maunlad na bayan.

Hindi pa nagtatapos ang unang quarter ng 2023, 9 na parangal na ang natatanggap ng SMNI News mula sa iba’t ibang award giving bodies.

Follow SMNI NEWS in Twitter