SMNI, naghakot ng pagkilala sa Asia Royalty Awards 2023

SMNI, naghakot ng pagkilala sa Asia Royalty Awards 2023

BINIGYAN ng pagkilala ng prestihiyosong Asia Royalty Awards ang kilalang most promising media network at ang nga anchors nito sa isang gabi ng parangal.

Isang masayang bagong taon ang sumalubong sa SMNI, patunay rito ay ang patuloy na pagtanggap nito ng pagkilala.

Taong 2022 ay sobra sa animnapu na award ang natanggap ng SMNI, pero bago magtapos ang buwan ng Enero ng taong 2023 ay muli itong naghakot ng parangal.

Enero 30 Lunes ng gabi sa OKaDa-Manila ay ginawaran ng pagkilala ang DZAR 1026 Sonshine Radio at ang mga Anchors nito na sina Tony-Lopez Cuevas at Mhet Sanding-Miñon.

Iginawad sa DZAR ang Philippines’s Most Trusted Radio Station.

Tinanggap naman ni Tony Cuevas ang Asia’s Iconic Broadcaster Award, at ang outstanding Radio Broadcaster Award ay tinanggap ni Mhet Miñon.

Tinanggap naman ni Franco Baranda ng SMNI News Channel ang Most Dynamic and Exemplary TV Broadcast Journalist Award.

Samantala, nagpaabot naman ng personal na pagbati sa SMNI ang chairman ng Asia Royalty Awards na si Perry Escaño.

Taong 2023 ay asahan ang patuloy na pamamayagpag ng SMNI sa pangunguna ni Pastor Apollo C. Quiboloy.

Si Pastor Apollo ay inilaan ang media network para sa nation building o pagsuporta sa pamahalaan kasabay ng pagbibigay ng totoong malasakit sa taumbayan.

Follow SMNI NEWS in Twitter