SMNI, tumanggap ng Netizens Best Choice Award bilang “Fast Growing Social Media of the Year”

SMNI, tumanggap ng Netizens Best Choice Award bilang “Fast Growing Social Media of the Year”

ISA na namang pagkilala ang tinanggap ng Sonshine Media Network International (SMNI) dahil sa patuloy nitong lumalakas na presensya sa social media.

Ito ay matapos iginawad sa media network ang “Best Choice Fast Growing Social Media of the Year” mula sa Netizens’ Best Choice Awards.

Ayon sa award giving body, napili nila ang SMNI dahil sa malakas at lumalakas nitong impluwensya sa social media, kalidad na mga programa, at sa pagiging ehemplo sa tama at responsableng paggamit ng internet.

Maliban sa SMNI, kabilang din sa mga kinilala ang ilang personalidad sa larangan ng showbiz at pagnenegosyo. (show Joel Cruz and Lance Raymundo awarding)

Ang “Best Choice Fast Growing Social Media of the Year” mula sa Netizens’ Best Choice Awards ang panlimang award na natanggap ng SMNI ngayong 2022.

Kabilang sa nauna nang tinanggap ng SMNI ngayong taon ay ang “Best Social Media Brand of the Year” mula sa Philippine Empowered Men and Women.

“World Class Presidential Debate of the Year” mula sa Global Trends Business Leaders Awards, Most Outstanding News and Public Affairs Channel mula Asia Pacific Sterling Awards at Award of Excellence mula sa  5th Asia Pacific Luminare Awards.

Ang SMNI ay kilala sa pagiging isang alternative media kung saan ang mga programa at balita nito ay nakatuon para sa totoong ikabubuti ng sambayanang Pilipino, sa ilalim ng paggabay ni Pastor Apollo C. Quiboloy.

Follow SMNI News on Twitter