HABANG tuloy-tuloy ang gisahan ng mga kandidato sa The Deep Probe: The SMNI Presidential Candidates Interview, ay isa na namang pagkilala ang tinanggap ng SMNI ngayong gabi.
Ito ay matapos iginawad ng Philippine Empowered Men and Women sa SMNI ang “Best Social Media Brand of the Year.”
Sinabi ni Richard Hiñola, chairman ng nasabing award giving body, deserving ang SMNI sa nasabing pagkilala dahil sa ginawa nitong serye ng political debates na talaga namang pumatok sa social media.
Matatandaan na trending sa social media at umani ng millions of views ang SMNI Presidential Debate na isinagawa sa buwan ng Pebrero.
Na sinundan naman ng hindi patatalo sa production na SMNI Senatorial Debates sa unang linggo ng buwan ng Marso na may Part 1 at Part 2.
Partikular na nagustuhan ng mga manonood sa serye ng SMNI Debate ay ang world class na production nito, kasabay ng pagtalakay ng mga malalim at napapanahong isyu ng mga panel of experts.