SMNI workers, nagtagisan ng galing sa sports, multimedia, literary events

SMNI workers, nagtagisan ng galing sa sports, multimedia, literary events

SA nagpapatuloy na SMNI Workers Olympics ay hindi nagpatalo ang iba’t ibang team sa pagsabak sa mga patimpalak.

Una nang bumida ang mga team mula sa Loyal Fuchsia Team, Red Overcomer Team, Green Dedicated Team, Blue Obedient Team at Violet Faithful Team sa track and field competition, swimming, basketball, volleyball, table tennis, badminton, power dance, at folk dance competition.

Ngayong Linggo naman ay sumabak ang bawat team sa pagalingan sa indoor games gaya ng chess, dart, scrabble, at word factory.

Nagpapatuloy naman ang mga sports events gaya ng basketball at volleyball for men and women.

Nagpasiklaban din ng galing sa iba’t ibang Bible games gaya ng bible countdown, Bible drill, bible telephone, at Kingdom manna challenge.

Hindi rin nagpahuli ang mga SMNI workers pagdating sa tagisan ng galing pagdating sa Salita ng Diyos dahil sumabak din sila sa preaching competition.

Maging sa broadcasting competition ay hindi rin nagpahuli ang mga teams.

At isa sa main highlights ng linggong ito ay ang zumba competition, kung saan nagpasiklaban ng galing sa sayaw mapabata man o may edad na.

Sa susunod na Linggo ay abangan ang inaabangang musical event ng SMNI Workers Olympics.

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI News on Rumble