PATOK ngayong holiday season ang Snow World sa Dapitan para sa mga nais makaexperience ng winter.
Nakaexperience na ba kayo ng snow?
Gusto pero wala namang budget papuntang abroad?
Naku! Huwag na kayong mag-aalala dahil ang iyong pinapangarap na Winter Wonderland ay nasa Dapitan, Zamboanga del Norte na.
Dream come true dito sa Glorious Snow World!
Isa ito sa mga patok na pasyalan sa Glorious Fantasyland ngayong holiday season.”
Syempre hindi ko na pinalagpas ang pagkakataon na maexperience ang maglaro sa niyebe.
At talagang manginginig ka sa lamig dahil umaabot ang temperatura dito sa -9.6 degrees celsius.
At kahit saan ka man pumwesto, napaka-Instagramabble ng lugar.
Mga magagandang tanawin sa Pinas, maaaring pasyalan sa loob lamang ng pitong minuto
Hindi pa diyan nagtatapos ang ating pamamasyal dahil sinibukan din natin ang isa pang attraction sa Glorious Fantasyland.
Iba’t ibang tanawin sa Luzon,Visayas at Mindanao ang tampok sa Lakbay Pinas Tour.
Mula sa mga makasaysayang lugar, mga dagat, talon at bulubundukin hanggang sa mga engrandeng festivals ng Pinas, makikita rito.
Talaga namang perfect ang lugar para sa isang holiday getaway mapabata man o young-at-hearts.
Ano pang hinihintay mo?
Dapit na sa Dapitan!