Social security protection para sa barangay officials at kagawad, isinusulong

Social security protection para sa barangay officials at kagawad, isinusulong

ISINUSULONG ng Social Security System (SSS) ang pagkakaroon ng social security protection ng barangay officials at mga kagawad.

Kapag miyembro anila ang mga barangay official at mga kagawad, makatatanggap na sila ng lifetime monthly pension kung magreretiro na ito mula sa public service.

Isang uri din naman na investment ani SSS President at Chief Executive Officer Rolando Macasaet ang pagiging miyembro lalo na’t magagamit din ito tuwing nagkakasakit, mawalan ng trabaho, at marami pang iba.

Upang makatanggap ng pensiyon, kailangan lang ayon sa SSS na makabayad ng hanggang 120 monthly contributions ang isang miyembro.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble