SOJ Remulla, hinamon ng abogado ni Cong. Teves

SOJ Remulla, hinamon ng abogado ni Cong. Teves

DIRETSAHANG hinamon ni Atty. Ferdinand Topacio si Justice Secretary Crispin Remulla na ituloy ang banta na paiimbestigahan siya sa Integrated Bar of the Philippines (IBP).

Pasaring pa ni Topacio na lead counsel ni Congressman Arnolfo “Arnie” Teves, Jr. na dapat idulog na ni Remulla sa IBP ang kaniyang sinasabi para siya ay pasayahin.

Hamon pa ng abogado na tiyakin lang aniya ng kalihim na siya mismo ang tatayong complainant o maghahain ng kaso sa IBP at hindi ang kaniyang mga tauhan sa DOJ.

Giit pa ni Topacio na dapat aniyang patunayan ni Remulla na siya ay matapang at karapat-dapat bilang Caviteño.

Ang reaksiyon ni Topacio ay sagot sa sinabi ni Remulla na paiimbestigahan sa IBP ang pagpapakilala ni Topacio bilang abogado ni Cong. Teves ngunit wala namang pinipirmahan o patunay, gayundin ang kawalang paggalang sa proseso ng batas.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter