SOJ Remulla, hindi kumbinsido na may presensiya na ng ICC sa bansa

SOJ Remulla, hindi kumbinsido na may presensiya na ng ICC sa bansa

HINDI kumbinsido si Department of Justice (DOJ) Sec. Boying Remulla sa umano’y presensiya ng International Criminal Court (ICC) sa bansa.

Mababatid na inihayag ni Atty. Harry Roque sa kaniyang social media na gumagalaw na ang ICC sa bansa kaugnay sa isyu ng war on drugs ng nakaraang Duterte administration.

Ayon kay Sec. Remulla, walang ICC na nakipag-ugnayan sa kanila.

Aniya, tungkulin ng ICC na ipaalam sa DOJ o sa pamahalaan ng Pilipinas kung totoong nakapasok sila sa bansa dahil ito ang nakasaad sa international law.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble