SolGen, dumistansya sa pag-anunsyo ng desisyon ni PBBM sa imbestigasyon ng ICC sa drug war

SolGen, dumistansya sa pag-anunsyo ng desisyon ni PBBM sa imbestigasyon ng ICC sa drug war

TUMANGGI at ayaw munang sabihin ni Solicitor General Menardo Guevarra kung mayroon na bang pinal na desisyon si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Kaugnay sa hiling ng International Criminal Court (ICC) na maimbestigahan ang drug war campaign na ginawa ng Duterte administration.

Ipinaliwanag ni Guevarra na ipinauubaya niya sa Malakanyang ang pag-anunsyo ng isyu kaya mas mainam na hintayin na lamang ang magiging pahayag ng Pangulo.

Ito ay matapos kinumpirma ng SolGen na nakipagpulong na sila kay Pangulong Marcos kasama sina Executive Secretary Vic Rodriguez, Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile, Justice Secretary Crispin Remulla, at Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo.

Sinabi ni Guevarra na tinalakay sa pagpupulong ang posisyon ng pamahalaan ukol sa imbestigasyon ng ICC sa isyu sa giyera kontra droga ng nagdaang pamahalaan.

Matatandaang 2019 nang kumalas ang Pilipinas sa ICC Rome Statute kaya malinaw aniya na hindi na miyembro ang bansa sa Rome Statute ng ICC.

Follow SMNI NEWS in Twitter