NAPAGKASUNDUAN ng South Korea at Russia na magtayo ng Defense military hotlines na direkta sa isa’t isa upang palakasin ang kanilang komunikasyon para maiwasan ang mga aksidente sa karagatan at himpapawid.
Nilagdaan ni Kim Sang-Jin, Director General for International Policy ng South Korea at Viktor Kalganov Deputy Director of National Defense control ng Russia ang Memorandum of Understanding (MOU) upang i-set-up ang hotline sa pagitan ng Navies at Air Forces ng dalawang bansa.
Matatandaan na maraming beses ng pumasok ang military aircraft ng Russia sa Air Defense identification zone ng South Korea ng walang abiso na nagdala ng alalahanin sa militar ng bansa.
Ang dalawang military hotlines na itatatag ay sa pagitan Republic of Korea fleet command ng South Korea at Pacific fleet ng Russia habang ang isa naman ay mag-uugnay sa Korean Air Forces first master control and reporting center, Russia 11th Air at Air Defense Forces Army.