South Korea at Pacific Alliance, nagkasundo na palakasin ang kooperasyon sa Green sector

South Korea at Pacific Alliance, nagkasundo na palakasin ang kooperasyon sa Green sector

NAGKASUNDO ang South Korea at ang Pacific Alliance na palakasin ang kooperasyon sa Green sector.

Inihayag ng Foreign Ministry noong Miyerkules na ang South Korea at isang grupo ng mga bansa sa Latin America ay sumang-ayon na tumugon ng maaga sa krisis sa pagbabago ng klima at maghanap ng mga paraan upang palalimin ang kooperasyon sa Green sector.

Sa Korea-Pacific Alliance Green economy forum, na ginanap pareho online at offline sa Seoul, tinalakay ng dalawang panig ang kooperasyon sa hydrogen economy at iba pang pagsisikap sa energy transition, dahil kinikilala nila ang pangangailangan para sa paglipat sa low-carbon at eco-friendly na ekonomiya.

Ang mga ministro at iba pang matataas na opisyal mula sa apat na miyembro ng Pacific Alliance, na kinabibilangan ng Chile, Colombia, Peru, at Mexico, ay dumalo rin sa hybrid forum.

Habang ang Ecuador, na naghahangad na maging kasamang miyembro ng alyansa, ay inanyayahan din sa kaganapan.

Samantala, nanawagan si South Korean Foreign Minister Chung Eui-Yong sa mga miyembro ng trade bloc na palawakin ang kooperasyon laban sa climate change at lumikha ng mga bagong paraan para mapalago ang Green economy.

SMNI NEWS