South Korea, magpapadala ng 2-M dolyar na halaga ng relief aid sa Pilipinas

MAGPAPADALA ng aabot sa 2-M dolyar na halaga ng relief aid ang South Korea sa Pilipinas sa mga biktima ng bagyong Odette.

Kasabay ng anunsyo na ito ay namahagi si South Korean Ambassador to the Philippines Kim Inchul ng 1,500 sako ng bigas at pitundaan at apatnapung hygiene kits sa Department of Social Welfare and Development.

Maraming bansa at International community na rin ang nangako na tutulong sa Pilipinas ng relief aid matapos manalasa at mag-iwan ng malaking pinsala si bagyong Odette sa ilang bahagi ng timog Luzon, Visayas at Mindanao.

Samantala, noong Martes nakapagtala pa ng 19 na pagkasawi mula sa bagyong Odette na nagdulot sa pagtaas sa kabuuang bilang nito na tatlundaan at siyamnapu’t pito.

Matatandaan na isa si typhoon Odette sa pinakamalakas na bagyong tumama sa Pilipinas na nagdulot sa pagkawala ng tirahan ng aabot sa limandaan at animnapu’t isang libong katao.

SMNI NEWS