NAG-ULAT ng higit sa 7,000 kaso ng COVID-19 ang South Korea sa unang pagkakataon.
Ito ang inihayag ni Prime Minister Kim Boo-Kyum kung saan nalalagay na sa alanganin ang hospital capacity ng bansa dahil sa biglang mga bagong kaso.
Ang mga impeksyon sa South Korea ay tumaas ngayong buwan matapos simulan ng gobyerno na luwagan ang mga paghihigpit sa ilalim ng tinatawag na “living with COVID-19” scheme noong Nobyembre.
Nag-ulat ng 7,175 bagong kaso ng COVID-19 at animnapu’t tatlong pagkamatay ang naitala kahapon.
Sa ngayon ay 840 kritikal at seryosong kaso ang naitala ng bansa.
Magpapakilos ang gobyerno ng karagdagang mga tauhan upang pangasiwaan ang mga pasyente ng Coronavirus na ginagamot ang kanilang mga sarili sa bahay at pagbutihin ang emergency transfer system sa mga ospital para sa mga nagkakaroon ng malalang sintomas.
Samantala, tinatayang 38 kaso ng Omicron variant ang ang naitala sa bansa.