UMAASA ang South Korea na makakakuha ito ng puwesto sa United Nations Security Council kasabay ng hangarin na masubaybayan ang nuclear programs ng North Korea.
Naghahanda ang South Korea sa malaking gampanin nito sa international stage kasabay ng hangarin nito na magkaroon ng puwesto sa UN Security Council.
Walang kalaban ang South Korea sa eleksiyon na gaganapin bukas Hunyo 6, 2023 at inaasahan na makukuha ang karamihan ng boto ng General Assembly.
Ito’y inaasahang tatapusin ang 10-taong hiatus mula sa 15 miyembro na UN Body na mayroong limang permanenteng miyembro na may veto power kabilang ang United States, United Kingdom, France, Russia, at China.
Ang taunang eleksiyon kung saan pumipili ito ng mga bansa na papalit sa 5 member states bawat taon, kasunod ng hangarin ng South Korea na masubaybayan ang galaw ng North Korea.
Ang UN Security Resolutions ay nagpatutupad ng ban mula sa Norte sa paggamit ng ballistic missile technology pero hindi ito sinunod ng Pyongyang.
Ayon sa South Korea Chief Nuclear Envoy to North Korea na si Kim Gunn at ng kaniyang counterparts mula U.S. at Japan, anumang paglulunsad gamit ang ballistic missile technology ay paglabag sa UN sanctions.