ARAW ng Lunes, iba’t ibang grupo ang sumugod sa Senado upang ipanawagan na agad nang simulan ang impeachment trial laban kay Pangalawang Pangulo Sara Duterte.
“Kaya kailangan muna ng paglilitis para alamin kung guilty nga ba si VP Sara. Kung hindi natin gagawin ang paglilitis sa pamamagitan ng impeachment trial, how can we know the truth?” ayon kay Leila de Lima, Dating Senador.
Ang kanilang pagpoprotesta ay isinagawa matapos ilabas ni Senate Majority Floor Leader Francis Tolentino ang mungkahing 19-day expedited impeachment trial.
PROPOSED TIMELINE FOR 19-DAY EXPEDITED IMPEACHMENT TRIAL as outlined by Sen. Francis Tolentino
June 11 – Constitution of the Impeachment Court
June 11–21 – Submission of Answer by VP Sara Duterte
June 22 – Reply of prosecutors
June 23 – Submission of Trial Briefs (AM), Opening Statements (PM)
June 24–25 – Presentation of Evidence: Prosecution
June 25–26 – Presentation of Evidence: Defense
June 27 – Rebuttal by Prosecution (AM), Rebuttal by Defense (PM)
June 28 – Oral Arguments
June 29 – Closed-door meeting of Senator-Judges
June 30 – Judgment Day
Ayon sa naturang timetable, maaring simulan ang impeachment trial sa Hunyo 11 at tapusin bago magsara ang ika-19 na Kongreso sa Hunyo 30.
Suportado ang panawagan nina Sen. Win Gatchalian, Koko Pimentel, Migz Zubiri, Joel Villanueva, Nancy Binay, at Risa Hontiveros.
“It is our constitutional mandate. The Constitution tells us to do so. The constitution is the bible of our country. We have to follow our constitution,” wika ni Sen. Juan Miguel “Migz” Zubiri.
Dagdag pa ni Zubiri, mahalagang magpulong ang mga senador sa isang caucus upang pag-usapan ang isyu, lalo’t may mga panukalang batas pa na hinahabol ipasa bago magsara ang Kongreso.
“As far as I know, the only knowledge I have of the impeachment are his statements in the media. Sana naman he tells us one by one or as a whole. Wala talaga kaming alam,” dagdag ni Zubiri.
Ngunit sa kabila ng mga panawagan, tumanggi si Senate President Francis “Chiz” Escudero na madaliin ang proseso ng paglilitis, na aniya’y dapat isagawa alinsunod sa Konstitusyon.
“Sinabi ko na ‘yan noong simula. Sinumang pabor sa impeachment o kontra sa impeachment, sinumang may pabor kay VP Sara o kontra sa kanya ay hindi ko papakinggan. Gagawin ko kung ano ang tama, nararapat, at ayon sa konstitusyon at batas ayon sa aming tingin kung ano ang tama. Hindi porke’t pabor sila sa impeachment at ayaw nila kay VP Sara at gusto nilang matanggal si VP Sara, mamadaliin at susundin sila,” giit ni Escudero.
Ginawa ni Escudero ang pahayag nang tanungin siya kung nakakaramdam siya ng pressure mula sa publiko na agad aksiyunan ang impeachment case.
“Ang gusto nila madaliin namin ‘yong aming constitutional duty. Gagampanan namin ‘yon pero hindi sa oras na gusto nila porke’t nagmamadali sila. Wala namang nagsabing hindi namin gagampanan ‘yon dahil sabi ko nga proseso ito na dapat sundan at sinusundan hindi sa oras na gusto nila, hindi sa pinili nilang panahon,” ayon pa kay Escudero.
Samantala, naglabas ng opisyal na pahayag ang kampo ni VP Sara Duterte. Ayon sa kanilang defense team, handa silang humarap sa impeachment trial upang patunayan na walang basehan ang mga akusasyon laban sa kaniya.
“Nevertheless, should the Senate choose to proceed, we stand ready to confront the charges and expose the baselessness of the accusations against the Vice President,” pahayag ng Defense Team of Vice President Sara Z. Duterte