SP Zubiri, inaming hiningi ng US ang suporta sa pansamantalang pananatili ng Afghans sa Pilipinas

SP Zubiri, inaming hiningi ng US ang suporta sa pansamantalang pananatili ng Afghans sa Pilipinas

INAMIN ni Senate President Juan Miguel Zubiri na hiningi sa kaniya ng Estados Unidos ang suporta para sa pansamantalang pananatili ng libu-libong Afghans sa Pilipinas.

 “Yeah they are asking the support, and they ask me first how I feel about it,” ayon kay Senate President Juan Miguel ‘Migz’ Zubiri.

Ito’y kaugnay sa plano ng US government na ilipat muna ang nasa 50-K Afghans sa bansa habang ang kanilang mga espesyal na visa application papuntang US ay naiipit pa sa proseso.

Sa isang press briefing sa Senado, sinabi ni Zubri na si US Undersecretary of State for Political Affairs Victoria Nuland ang nakiusap hinggil sa issue.

“Ito lang naman ang nirerekuwest namin na malipat sila jan for only 60 to 90 days, and it’s not all, kasi marami naman silang halfway house all over the world. So, parang hinihiling nila is a thousand few Afghan refugees. And kailangan nilang gawin the soonest possible time para hindi malagay sa alanganin ang kanilang buhay,” dagdag ni Zubiri.

Para naman kay Zubiri, ang pagtanggap sa mga umano’y Afghan refugees sa ating bansa ay ang nararapat na gawin.

Paliwanag niya na dati na itong ginagawa ng mga nagdaang administrasyon.

Partikular na aniya sa panahon ni dating Presidente Manuel Quezon kung saan kinupkop ng Pilipinas ang mga refugees mula sa Europa nang magkaroon ng malawakang patayan sa panahon ng World War 2.

“If these men and women and children are being slaughtered for supporting another country at that time, and they are bow benign repatriated to the United States, I think it’s the right thing to do for the Philippines to come up with a halfway house here kasi hinahanap na sila isa-isa at tinatarget for persecution,” ani Zubiri.

SP Zubiri, tiniyak ang mga limitasyon sa pansamantalang pananatili ng mga Afghan sa Pilipinas

Idinetalye naman ni Zubiri ang mga kondisyon para sa pansamantalang pananatili ng mga umano’y refugees.

Nasa 60 to 90 days lamang aniya ang kanilang pamamalagi sa Pilipinas, at mananatili lamang sila sa isang lugar na dapat ay bantay sarado ng mga taga- Immigration.

Nilinaw rin ni Zubiri na walang gagastusin ang Pilipinas sa pag-accommodate ng mga Afghans dahil sa babayaran lahat ito ng Amerika.

Ang mga pasilidad naman na gagamitin ay ibibigay rin sa gobyerno ng Pilipinas matapos itong gamitin.

Matatandaan na sa isang pagdinig sa Senado ay unang nailahad ang nasabing hiling ng US sa bansa na tila ay itinatago pa sa publiko ayon kay Senator Imee Marcos.

Una nang kinuwestiyon ni Sen. Imee na kung bakit sa dinami-rami na kaalyado na bansa ng Amerika ay Pilipinas pa ang napili.

 “Unang-una sino sila? Hindi naman sila naging empleyado ng Filipino government, hindi natin kakilala yan. Ni minsan hindi nakita natin ang mga ‘yan. Baka naman talagang mababait at inaapi. Tumulong tayo kung refugees sila kung refugees sila pero ang sinasabi ngayon, hindi sila refugee. Empleyado sila ng mga Amerikano… Ang Pilipinas naman ang malagay sa peligro,” ayon kay Sen. Imee Marcos.

Sa tanong na kung bakit ang Pilipinas ay ito naman ang sagot ni Zubiri.

“Because they consider the Philippines as a close friend and ally. They are also trying to seek support to countries around the region, but they feel that the Philippines is a close friend na puwede nilang makausap,” ani Zubiri.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter