SPM warriors at volunteers ng Brgy. Longos, Malabon, nagsanib-pwersa sa ilalim ng Kalinisan, Tatag ng Bayan program ni Pastor Apollo C. Quiboloy

SPM warriors at volunteers ng Brgy. Longos, Malabon, nagsanib-pwersa sa ilalim ng Kalinisan, Tatag ng Bayan program ni Pastor Apollo C. Quiboloy

THUMBS up ang Barangay Council ng Longos, Malabon City sa kahanga-hangang adbokasiya ni Pastor Apollo C. Quiboloy sa ilalim ng ‘Kalinisan, Tatag ng Bayan’ ng Sonshine Philippines Movement.

Dahil sa Climate Change o pagbabago ng klima sa mundo, sa Pilipinas, walang lugar na hindi nakararanas ng baha, pagguho ng lupa, na nagdudulot ng pagkasira ng ari-arian at hanapbuhay dulot ng iba’t ibang kalamidad.

Pagkatapos ng unos, tambak na basura ang sunod na hamon ng mga residente.

Pero aminado ang lahat na kadalasan, ang sanhi ng kalamidad ay kagagawan rin ng tao.

Sa Metro Manila na lang, halos sunud-sunod ang pagbaha na naitala sa maraming lugar dulot ng nagdaang mga sama ng panahon.

At tuwing magkakabaha, tambak na mga basura ang tumatambad sa mga eskenita, estero, mga ilog, hanggang sa karagatan.

Nagiging sanhi rin ito ng pagkakasakit ng mga tao, lalo na ng mga bata kung napapabayaan ang mga basurang ito.

Ang Lungsod ng Malabon ay ligtas sa mga pagbaha dahil sa mga tambak na basura na nakakalimutang maitapon sa tamang tapunan nito.

At para matulungang maisaayos ang problema ng basura sa lungsod, dito na nakipag-ugnayan ang mga volunteer ng Sonshine Philippines Movement sa ilalim ng programang ‘Kalinisan, Tatag ng Bayan’ sa pangunguna ng Senatorial Aspirant na si Pastor Apollo C. Quiboloy.

Mga plastic, damit, basag na bote, damo, at kung anu-ano pa.

Iyan ang bumungad sa mga volunteer sa pagsisimula ng paglilinis sa katabing daan sa Pinagsabugan Creek.

Pero, dahil sa dedikasyon ng mga volunteer, sama-sama at tulung-tulong na nagwalis, nilinis, at hinakot ang mga basura sa lugar.

Ang taga-barangay, walang ibang masabi kundi ang kanilang taos-pusong pagpapasalamat kay Pastor Apollo C. Quiboloy at sa grupo nito, kung saan napagaan at napabilis anila ang kanilang trabaho, lalo na’t di naman nila kakayanin sa maliit na bilang ng kanilang sweepers at decloggers.

Suportado rin nito ang prinsipyo ng butihing Pastor na kapag malinis ang kapaligiran at lipunan, magbubunga ito ng malinis na kaisipan ng mga mamamayan.

Samantala, bukod sa mga basura sa kalsada, sinuyod rin ng mga volunteer ang katabing creek sa lugar. Kapansin-pansin ang maitim na kulay nito at nagkalat rin ang mga basura rito.

Ang Lungsod ng Malabon ay tinaguriang Venice ng Pilipinas dahil napapalibutan ito ng maramingnilog sa lugar. Ngunit ang lungsod ay hindi rin ligtas sa hamon ng basura lalo na tuwing may mha pagbaha. Kaya naman sa ilalim ng temang Kalinisan Tatag ng Bayan ng Sonshine Philippines Movement sa pangunguna ni Pastor Apollo C. Quiboloy, kaisa ito sa paglilinis sa layong maibalik ang ganda ng mga ilog sa nasabing lungsod.

Para sa BANATEROS Political Vlogger na si Boss Dada, bilang isang baguhan, manghang-mangha siya sa programa na ito ni Pastor Apollo.

Aniya, wala pa man sa pwesto sa politika si Pastor Apollo C. Quiboloy, marami na itong nagawa at magagawa pa oras na mailuklok ito sa pagsisilbi sa bayan.

Sa ilalim ng nasabing bayanihan ng SPM at Brgy. Longos, umabot sa mahigit 400 sako ng basura ang nahakot sa lugar.

Mapa-politika man o sa larangan ng pangangaral ng Salita ng Diyos, walang nagbago sa paninindigan ni Pastor Apollo C. Quiboloy sa maalab na pagmamahal nito sa mamamayan, kalikasan, at sa bayan.

Aniya, malayo ang mararating ng mga Pilipino sa pamamagitan ng pagkakaisa, pagsusulong ng pangmatagalang solusyon at pagbabago, at higit sa lahat, may takot sa Diyos.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter