ISINASAGAWA ang Clean-Up Drive sa Brgy. Cogon, Roxas City, Capiz sa pangunguna ni Pastor Apollo C. Quiboloy sa ilalim ng ‘Kalinisan: Tatag ng Bayan’.
Ang aktibidad ay sinuportahan ng Brgy. Captain na si Reynaldo Alparaque, kasama ang Brgy. Council (BHW, Kagawad, at Tanod), pati na rin ang mga boluntaryo mula sa Keepers Club International at Sonshine Philippines Movement.
Umabot sa 30 sako ng basura ang nakolekta mula sa dalampasigan ng Brgy. Cogon.
Karamihan sa mga ito ay mga basurang inanod mula sa iba’t ibang lugar dahil sa maling pagtatapon sa dagat.
Patuloy ang pagtutulungan ng mga volunteer sa paglilinis na may layuning maibalik ang ganda at kaayusan ng dalampasigan ng Brgy. Cogon.
Ang naturang aktibidad ay naging inspirasyon para sa mas malawak pang kampanya para sa kalikasan at disiplina sa komunidad.