“Squid Game” actress na si Jung Ho Yeon, bibisita sa bansa

“Squid Game” actress na si Jung Ho Yeon, bibisita sa bansa

NAKATAKDANG tumungo sa bansa ang South Korean actress at model na si Jung Ho-Yeon na bumida sa hit series na “Squid Game” para sa isang fan meeting.

Inanunsyo ito mismo ng concert promoter na Wilbros Live kung saan sinabi nitong idadaos ng Korean star ang una nitong “fan meet” sa Manila sa darating na Nov. 11 sa New Frontier Theater.

Sa Korean drama na “Squid Game”, ginampanan ni Jung ang karakter na si Kang Sae-Byeok na isang Korean detector.

Nanalo ito bilang Outstanding Performance by a Female Actor in a Drama Series sa screen actors Guild’s Award para sa kanyang naging role.

Bukod dito ay naging nominee rin si Jung para sa Primetime Emmy Awards for Outstanding Supporting Actress in Drama Series.

Follow SMNI NEWS in Twitter