SRA: Taniman ng tubo sa ilang bayan ng Negros Occ. apektado ng peste

SRA: Taniman ng tubo sa ilang bayan ng Negros Occ. apektado ng peste

KINUMPIRMA ng Sugar Regulatory Administration (SRA) na apektado ngayon ng peste ang mga pananim na tubo sa ilang bayan ng Negros Island.

Ito ay isang uri ng peste o tinatawag na red-stripped soft scale insect’ (RSSI).

‘Yan ang pesteng sumisira ngayon sa mga pananim na tubo sa anim na lugar sa Hilagang bahagi ng Negros Occidental.

Ito mismo ang kinumpirma ng SRA, Miyerkules ng Mayo 21.

Ayon sa ahensiya, kayang pababain ng naturang peste ang kalidad ng pananim na tubo ng halos 50%.

Nagsimula umano ang RSSI infestation sa mga tubo sa Luzon, at hindi lubos akalain ng ahensiya na aabot ito sa Negros Occidental na kilalang pangunahing pinagkukuhanan ng suplay ng asukal.

“The SRA, instructed our personnel and requested the farmers na mag-caustion sa pag-transport sa mga material lalong-lalo na kung hindi nila alam kung saan ‘yung source o kung saan galing ‘yung mga material na ‘yan. We need to quarantine ibig sabihin ay i-limit muna ‘yung pag-transport ng mga planting materials from one place to another place especially doon sa paggaling doon sa infected area,” pahayag ni Rafael Genimundo, Science Specialist, SRA

Ang pangunahing dahilan umano kasi ng paglaganap ng nasabing peste ay ang pagpapasok ng mga kontaminadong planting materials o cane points mula sa mga lugar na dati nang may kaso nito.

“So, we created a task force para effectively managed the situation na mayroon tayo ngayon,” dagdag ni Genimundo.

Sinabi naman ni DA Spokesperson Arnel De Mesa, may pinag-aaralan daw ngayon na insecticides ang National Crop Protection Center ng UP Los Baños na maaaring gamitin upang mapigilan ang pagdami ng RSSI.

“Buprofezin, Dinotefuran, Phenthoate, Pymetrozine and Thiamethoxam, which has proven initially to be effective in controlling itong red-stripped soft scale insect o RSSI. Kaya lang, hindi pa ito authorized to use sa sugarcane,” ayon kay Asec. Arnel De Mesa, Spokesperson, DA.

Dagdag ni De Mesa, plano ngayon ng SRA na gawin ang ikalawang trial sa Negros habang hinihintay ang opisyal na proseso para sa paggamit ng mga ito.

Sa panig naman ng United Sugar Producers Federation of the Philippines (UNIFED), may kaunting epekto sa suplay at presyo ng asukal ang kasong ito.

Ngunit, hindi umano ito dapat ikabahala.

“Kaunti lang, very little, it’s only containing 1 area. So, wala, there’s nothing to be alarmed, everything is being taking cared. Hindi naman makaaapekto sa production tapos na ‘yung sugar milling natin so wala ng problema,” ayon kay Manuel Lamata, President, UNIFED.

Bigong ipaalam ng SRA sa publiko ang mga lugar na apektado ng nasabing peste pero ayon sa UNIFED kabilang ang La Castellana na isa rin sa mga bayan na pinagkukuhanan ng suplay ng bansa.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble