Stephen Curry, tinanghal na MVP ngayong taon

Stephen Curry, tinanghal na MVP ngayong taon

TINANGHAL bilang NBA Finals Most Valuable Player (MVP) ngayong taon si Stephen Curry ng Golden State Warriors.

Kasunod ito ng pagkapanalo ng Warriors kontra Boston Celtics sa iskor na 103-90 sa Game 6 ng NBA Finals.

Si Curry ang nakakuha ng pinakamalaking puntos para sa Warriors kung saan umabot ito ng 34 points, 7 assists at 7 rebounds.

Sinundan naman siya ni Andrew Wiggins na may 18 points, 6 rebounds at 5 assists.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter