SINAMAHAN ng mga contestants ng Binibining Pilipinas 2022 ang ilang mga kabataang orphan sa isang amusement park.
Batay sa Instagram page ng Binibining Pilipinas noong Hunyo 16, makikita ang mga benepisyaryong kabataan at ang mga kandidata na naglalaro sa Araneta Fiesta Park sa Quezon City para sa isang programa.
Ang charity event na ito ay pinangunahan ng isang nagngangalang Father Tony Labiao.
Samantala, bagamat wala pang schedule para sa coronation night, nakatakdang magpasiklaban sa talent competition ang mga kandidata para sa Binibining Pilipinas 2022 ngayong Hunyo 23.
Mababatid na mula sa Binibining Pilipinas kukunin ang 4 na titulo gaya ng Binibining Pilipinas International, Binibining Pilipinas Intercontinental, Binibining Pilipinas Globe at Binibining Pilipinas Grand International.