DAPAT mai-refund sa mga mag-aaral na hindi nabigyan ng discount tuwing bumili ng travel tickets online kung maipapakita nito ang kanilang ID sa mga terminal.
Ayon kay Isabela Rep. Inno Dy, ito’y dahil marami sa mga transport company ang hindi sumusunod sa 20% discount na nakasaad sa Student Fare Discount Act.
Nilinaw ni Dy na hindi idenitalye sa batas na kasama ang pagbili ng online ticket sa student discount, ngunit ginagamit ito ng mga kompanya para sa kanilang sariling benepisyo.
Dahil dito ay inihain ni Dy ang House Bill No. 1142 kung saan isinusulong nito ang pagbibigay ng discount sa lahat na bumili ng ticket via online basta’t makapagpakita ito ng pruweba.