Student visa na ibibigay ng Canada ngayong 2024, mababa ng 200-K kumpara sa nakaraang taon

Student visa na ibibigay ng Canada ngayong 2024, mababa ng 200-K kumpara sa nakaraang taon

AABOT na lang ng hanggang apat na raang libo (364-K) ang ibibigay ng Canada na study visas ngayong taon.

Kung ikukumpara noong 2023, nasa 560-K ang ibinigay na study visas.

Ayon kay Canadian Immigration Minister Marc Miller, ang foreign students ay tinatarget ng pagmamalabis kung saan inaalok ito ng pekeng mga degree habang pini-pressure ng mataas na halaga ng bayarin sa housing at health care.

Bagay na dapat nang maresolba aniya.

Hakbang din ito ng bansa upang hindi na masyadong dadami ang mga papasok sa Canada lalong-lalo na mga dayuhan na siyang nagreresulta sa pagtaas ng mga bayarin sa housing, health care, at iba pang serbisyo.

Tinatayang nasa 1.25-M katao na madalas ay foreign students ang pumapasok sa Canada bawat taon subalit nasa 300-K lang na mga bahay ang naitatayo roon.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble