MAKARARANAS ng sunod-sunod na pag-ulan ang bansa dala ng Intertropical Convergence Zone (ITCZ) sa parteng Southern Luzon, Visayas at Mindanao.
Sa inilabas na weather forecast noong Miyerkules, ang ITCZ ay tatagal ng tatlo pang araw. Ito’y magdudulot ng makulimlim na panahon at magiging ulan ayon kay Benison Estareja ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Service Administration (PAGASA).
Sa Quezon Province at Bicol Region naman ay makararanas ng pag-ulan at pagkidlat, ani Estareja ito ay posibleng magdulot ng pagbaha.
Sa Metro Manila at ibang parte ng Luzon ay magkakaroon ng maaraw na panahon na mararanasan hanggang hapon.
Magtatala ng 34°C ang Cagayan Valley at 32°C naman sa buong Metro Manila habang ang Eastern Visayas, Central Visayas at Mindanao ay light moderate.
Samantala, ayon kay Estareja wala namang weather disturbance ang aasahan na papasok ng Philippine Area of Responsibility sa susunod na tatlong araw.