104 taong lolo sa Cagayan Valley, pinakamatandang nabakunahan kontra COVID-19

104 taong lolo sa Cagayan Valley, pinakamatandang nabakunahan kontra COVID-19

NAITALA sa rehiyon ng Cagayan Valley ang pinakamatandang nabakunahan kontra COVID-19 na may edad 104, ayon sa Department of Health (DOH).

Isang lolo mula dito sa lalawigan ng Cagayan Valley ang naitala ng Dept. of Health na pinakamatandang tumanggap ng bakuna laban sa COVID-19.

Ang nasabing lolo ay kinilalang si Isidro Agpoon na taga Barangay Labben, Allacapan Cagayan.

Ayon kay Dr. Krizel Barcena Quines, AstraZeneca vaccine ang unang dose na itinurok kay Lolo Agpoon matapos na boluntaryong magpabakuna laban sa COVID-19.

Sinabi ng lolo na normal at wala siyang naramdamang sakit o anumang adverse effect sa katawan makaraang mabakunahan.

Sa kasalukuyan, si Agpoon pa lamang ang nailistang pinakamatanda sa mga nabakunahan habang patuloy ang isinasagawang rollout ng pagbabakuna para sa iba pang senior citizen sa buong rehiyon.

(BASAHIN: 5,000 dosis ng CoronaVac, inaasahang darating sa Cagayan Valley)

SMNI NEWS